2 HOLDAPER NASABAT SA OPLAN SITA

HINIHINALANG mga holdaper ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo na nakumpiskahan ng baril ng mga operatiba ng Tactical Motorized Rider Unit (TMRU) ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, nang sitahin ng mga awtoridad sa isinagawang Oplan Sita sa panulukan ng Tomas Mapua at Ongpin streets nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ang dalawang inaresto na nagpakilalang isang cellphone technician at delivery rider, ay may gulang na 26 at 27-anyos, nakatira sa Sampaloc at Tondo, Manila.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-3:25 ng madaling araw nang mamataan ang mga suspek na kahina-hinala ang kilos at paikot-ikot sa lugar.

Sinita ang mga ito ng mga tauhan ng TMRU, sa pangunguna nina Police Staff Sergeant Alvin Bong Olayres, Police Staff Sergeant Ray Mark Layrena at Police Staff Sergeant Raymond Ocampo, at nang kapkapan ay nakumpiskahan ng isang 9MM na baril na may 10 bala, at isang improvised gun na may isang bala.

Bunsod nito, dinampot ang mga suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to Person in Authority or Agent of such Person), at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (RENE CRISOSTOMO)

32

Related posts

Leave a Comment