7,488 AUTOMATED COUNTING MACHINES DUMATING NA

DUMATING nitong Biyernes, Oktubre 11,ang 7,488 automated counting machines (ACMs) na gagamitin para sa 2025 national and local elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang kabuuang bilang ng lahat ng ACMs na umabot na sa 63,480, ay hawak na ng Comelec.

Nabatid na nagsimulang dumating ang mga ACM noong buwan ng Agosto at Setyembre.

Kaugnay nito, nasa 47,140 ACM pa ang inaabangan ng Comelec na kanilang gagamitin para sa 2025 midterm elections.

Nitong Biyernes ng umaga naman ay nagsagawa ng ‘walkthrough’ ang Comelec para sa Local Source Code Review (LSCR) at Data Center 3 sa Circuit Corporate Center One sa Makati City.

Sinabi ni Comelec Spokesperson Atty. JihnRex Laudiangco, na-advance o mabilis ang delivery ng ACMs. (JOCELYN DOMENDEN)

35

Related posts

Leave a Comment