90% NG MANILA WATER CONSUMERS MAY TUBIG NA

water

SA kabila ng pagkakabalik ng tubig sa halos 90% consumer sa east zone ng Metro Manila, sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi pa rin tapos ang krisis sa tubig ng Manila Water.

Gayong naibalik na ang supply ng tubig, nanatiling hamon pa rin ang kawalan ng supply sa ilang bahagi ng Mandaluyong at Quezon City.

Ilang linggong nawalan ng tubig sa east zone dahilan para mairita ang mga consumer ng Manila Water sa perhuwisyong dulot nito. Maging ang mga negosyo ay nalugi habang ang ilan at pansamantalang nagbawas ng trabahador.

Sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles, nakatakdang i-endorso kay Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng EO sa unang linggo ng Abril para pinal itong maaprubahan bago magtapos ang panahon ng tag-init.

Sa ilalim nito, target ng Palasyo na bigyan ng kapangyarihan ang National Water Resources Board para gumawa ng mga polisiya at hakbang kaugnay sa supply ng tubig

309

Related posts

Leave a Comment