ACT-CIS NAGPAABOT NG TULONG SA MGA BINAHA

AGAD nagpaabot ng tulong ang ACT-CIS party-list sa mga naapektuhan ng pagbaha noong Miyerkoles matapos humupa ang ulan sa Metro Manila.

Nagpahanda si Cong. Edvic Yap ng dalawang libong food packs para sa mga bakwit sa Quezon City at Marikina City.

“Hindi lang makatawid ang mga trak namin noong kasagsagan ng ulan at baha dahil maraming kalsada ang sarado,” aniya.

“Narinig kasi namin panawagan ng LGU na baka kulangin ang suplay nila ng pagkain dahil sa sobrang dami ng evacuees matapos umapaw ang Marikina River,” sabi pa ni Cong. Yap.

Si Cong. Erwin Tulfo naman ay agad nagpadala ng higit isandaang food packs para sa 100 families na nasa dalawang barangay evacuation centers na malapit sa kanilang opisina noong Miyerkoles ng hapon.

“Tumawag kasi yung Christ the King Church sa opis para hingan ng food yung mga bakwit na karamihan ay mga nasasakupan ng parokya nila,” ani Tulfo.

Dagdag pa ng mambabatas, hindi lang sa panahon ng kalamidad sila maaaring lapitan kundi maging sa mga problema sa medical, labor o legal man.

“Aantayin namin po kayo sa aming opis Monday to Friday from 8am to 4pm sa 81 Mother Ignacia Ave., Quezon City,” pahabol ni Cong. Yap.

156

Related posts

Leave a Comment