APAT KINATAY SA TAGAYAN

HUMANTONG sa ospital ang masayang inuman ng apat na magbabarkada makaraang pagsasaksakin ng umano’y nagwawalang praning na tinangka nilang awatin sa Caloocan City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Itinakbo sa Caloocan City Medical Center ang mga biktimang sina Ro Angelo Javier, 18, binata, ng Blk. 29, Lot 43, Brgy 35; Francis Lalo, 29, may asawa, ng Blk. 29, Lot 43 Tallilong Tallaba St., Brgy. 35; Arthur August Bernal, 29, may asawa, ng Blk. 29, Lot 43, Tallilong Tallaba, Brgy. 35, at Ryan Vladimir Javier, 23, may asawa, ng Blk. 29, Lot 43, Tallilong Tallaba St., Brgy. 35, pawang ng lungsod.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa Block 29, Lot 43, Talilong St., Brgy 35, Maypajo, Caloocan City.

Nag-iinuman ng mga biktiima sa bahay ni Bernal nang makitang nagwawala ang suspek na si Mike Abundo, 27, binata, mekaniko, ng Blk. 30, Lot 26, Phase 3D, Brgy. 31, Caloocan City.

Pinagtututumba umano ng suspek ang mga nakaparadang motorsiklo kaya’t kinompronta ito ng mga biktima.

Ngunit nagbasag ng bote ang suspek at pinagsasaksak ang mga biktima saka tumakas ngunit nadakip ng mga pulis.

Mabilis namang isinugod ng mga kaanak ang sugatang mga biktima sa pagamutan. (ALAIN AJERO)

279

Related posts

Leave a Comment