COMMUTERS, NETIZENS NABABAHALA SA KALIGTASAN SA MOVE IT

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala ang maraming commuter at netizens para sa kanilang seguridad kasunod ng serye ng aksidente at insidenteng kinasangkutan ng Move It riders.

Sa Cebu City, sugatan ang isang Move It rider at pasahero nito matapos bumangga sa isa pang motorsiklo. Ayon sa mga saksi, paliko na ang motorsiklo nang salpukin ng Move It rider. Nakunan din ng video ang pagbangga ng Move It sa isang motorsiklo matapos subukang tumawid kahit pula na ang ilaw-trapiko.

Sa Pasig, sugatan ang isang Move It rider at pasahero nito nang bumangga sa isang sasakyan habang sa Cavite naman, isang Move It rider ang pumasok sa ilalim ng isang trailer truck matapos mag-beating the red light. Kasunod ng mga insidenteng ito, lumutang ang isyu ng kakayahan ng mga Move It riders sa pagmamaneho ng motorsiklo.

“Barubal kasi karamihan magmaneho. 80% sa kanila kamote. Araw-araw ko nakakasabay walang pakundangan kung sumingit. Wala pang pakialam basta na lang lipat ng linya,” wika ng isang netizen.

“Karamihan sa Move It rider kulang sa seminar, kulang sa disiplina sa kalsada. Parang binili lang yung lisensya e,” wika naman ng isa pa.

“Ayan yung epekto ng 45mins activate na tapos yung seminar online pa. Dinagdagan pa ng kakahabol sa incentives,” dagdag ng isa pa.

Akusa naman ng isa pang commuter, kumukuha ang Move It ng mga rider kahit hindi professional ang kanilang lisensya para maparami ang kanilang hanay.

53

Related posts

Leave a Comment