INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na ipapaubaya nila sa anomang entity ang pagsasagawa ng debate sa mga kandidato para sa 2025 elections
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi rin nila pipilitin ang mga kandidato na makibahagi sa mga isasagawang debate.
Hindi rin aniya nila pakikialaman kung ano ang mga itatanong sa mga debate.
Paliwanag ng poll chief, wala namang batas para obligahin ang mga kandidato na sumabak sa mga debate.
Ngunit hinihimok naman ng Comelec ang mga kakandidato na kung kakayanin ay makibahagi sa mga isasagawang debate.
Ito’y upang malaman ng publiko partikular ang mga botante, kung ano ang mga balak, plano at plataporma ng mga kandidato sakaling manalo sa halalan. (JOCELYN DOMENDEN)
111