ITINUTURING na pinakamataas na antas ng pagbaba ng bilang ng mga naputukan ngayong taon, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III kumpara noong nakaraang taon base na rin umano sa maulan na panahon at sa pina-igting na kampanya laban sa paputok.
Mula December 21 hanggang January 1, 2019, nakapagtala lang ang DoH ng 139 firecracker injuries at 68 porsiyentong mas mababa sa katulad na panahon na nakapagtala ng 428 kaso.
Sa press conference, sinabi ni Duque na matagumpay ang kampanya ng gobyerno sa illegal na paputok.
Nakatulong din umano ang pagkakaroon ng fireracker zone sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Gayunman, nananatili ang kwitis sa may pinakamaraming nabiktima na may 30 kaso, kasunod ang PVC cannon o boga na may 16 kaso. May mga kaso din na dulot ng piccolo sa 15 at lusis na walong kaso.
Karamihan sa mga nabiktima ay galing sa National Capital Region (NCR) na may 53 kaso, kasunod ang Western Visayas sa 26, at Central Visayas na may 13 kasong naitala. Ang Central Luzon at Calabarzon ay may tig 13 kaso ng biktima ng paputok.
166