ERWIN TULFO BINIGYAN NG ULTIMATUM NG PNP

erwintulfo12

(NI AMIHAN SABILLO)

BINALAAN muli ng Philippine National Police (PNP) ang media personality na si Erwin Tulfo matapos na hanggang ngayon ay hindi pa rin nito isinusuko ang kanyang mga baril na expired na ang lisensya.

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Bernard Banac, hindi magdadalawang-isip ang PNP na gumawa ng hakbang laban kay Tulfo kung hindi pa rin ito gagawa ng aksyon.

Hanggang ngayon ay  hinihintay pa umano nila ang desisyon ng tanggapan ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) hinggil sa usapin.

Si Tulfo ay nakatakdang magbalik bansa noong pang Hunyo 22 galing ibang bansa.

Nauna nang sinabi ni Banac na isasailalim sa “Oplan Katok” ang broadcaster kung saan magtutungo ang mga pulis sa kanyang bahay upang paalalahanan siyang isuko ang kanyang mga baril.

Maaaring maharap si Tulfo sa kasong illegal possession of firearms, paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) kung patuloy niyang babalewalain ang babala ng PNP.

Sinabi na rin ni PNP chief Police General Oscar Albayalde na mapipilitan silang kumuha ng search warrant kapag hindi pa rin tumalima si Tulfo.
 

185

Related posts

Leave a Comment