(NI KIKO CUETO)
ASAHAN ang mas matinding buhos ng ulan sa mga susunod na araw dahil hahatakin ng pinagsamang lakas ng Bagyong Falcon at binabantayang sama ng panahon ayon sa PAGASA.
Malaki umano ang epekto ng bagyo at LPA sa buong bansa.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Ezra Bulquerin, bahagyang lumakas ang bagyong Falcon sa dala nitong 75 kilometers per hour na hangin at pagbugsO na papalo sa 90 kph.
Huling namataan ang bagyo 385 kilometers north northeast ng Basco, Batanes.
Sa taya naman ng Pagasa sa low pressure area ay nakita ito 250 kilometers west northwest ng Sinait, Ilocos Sur.
Magiging isa itong tropical depression sa loob ng 48 oras.
Hahatakin ng dalawa ang habagat na magdadala ng ulan sa bansa.
Nakataas pa rin ang Storm signal no. 1 sa Batanes.
109