(Ni FRANCIS ATALIA)
SIYAM na katao ang dumagdag sa bilang ng mga nabiktima ng paputok, ilang oras bago magpalit ang taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), umakyat na sa 55 ang naitalang kaso ng fireworks-related injuries mula alas-6:00 ng umaga ng December 30 hanggang alas-6:00 ng umaga ng December 31, 2018.
Sa nabanggit na mga biktima ng paputok, 50 sa mga ito ay pawang lalaki.
Bagama’t umakyat ang bilang, 50 porsyento pa rin itong mababa kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong panahon noong 2017 at 75 porsyento itong mas mababa sa 5-year average period, ayon sa DOH.
Boga ang pinakamaraming naitalang nabiktma habang mayroon pa ring mga nasabugan ng ipinagbabawal na piccolo.
Sa 55 na biktima ng paputok, lima sa mga ito ang kinailangang putulan ng daliri, 19 ang mayroong eye injury at dalawa ang nakakain ng pulbura.
347