‘HAZARD PAY’ NG MMDA ENFORCERS IBABALIK

mmda

(NI LYSSA VILLAROMAN)

INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maari nang maibalik ang hazard pay ng kanilang mga traffic enforcers.

Sa pahayag ni MMDA chair Danilo Lim ang hazard pay ng mga traffic enforcer na nagtatrabaho sa lansangan kahit may bagyo, baha, malakas ang ulan at minsan naman ay napapaaway sa mga pasaway na motorista ay maari na muling maibalik.

“Mukhang posible namang maibalik, pero hindi na ganoon, hindi na hazard pay. Kahit na anong tawag diyan, anong klaseng pay iyan, importante may dagdag na pakinabang, benepisyo ang mga enforcers natin.” Pahayag ni Lim.

Naipangako na rin ni Lim sa may 2,000 empleyado ng MMDA sa lansangan sa kanilang isinagawang formation sa Quirino Grandstand sa Manila  kamakailan na kasama niya at iba pang opisyal ng ahensya ang tungkol sa pagtataas ng kanilang suweldo, ang pagbabalik ng kanilang hazard pay at pati na rin ang kanilang pagiging regular sa trabaho.

Sinabi ni Lim na inaasahan na ang dagdag bayad sa mga empleyado ng ahensya ay mapasama na sa susunod na budget ng ahensya.

Ayon kay Lim bukod sa mga mambabatas ay ipinarating na rin nila sa Malacanang ang kahilingan.

“Sumusulat na tayo, may nakakausap na tayo. Hopefully, paglabas ng susunod na budget natin kasama na iyan. Ifo-follow up natin, hindi ititigil, dahil marami namang tumutulong. Maraming nakakaintindi sa kalagayan ng mga traffic enforcers,” Lim said.

Matatandaan na ang MMDA ay dati ng nagbibigay ng hazard pay bilang insentibo sa mga traffic enforcer upang mapigilan ang korupsyon subalit ito ay ipinatigil ng Commision on Audit (CoA).

Ayon kay Lim ang hazard pay para sa mga enforcer ay kinakailangan dahil base sa pag-aaral na isinagawa ng research team ng University of the Philippines noong June, ang kalusugan ng mga MMDA traffic enforcers ay nahaharap sa panganib dahil maari silang magkasakit ng high-blood at problema sa respiratory dahil sa polusyon.

119

Related posts

Leave a Comment