Health workers, tinamaan ng COVID OSPITAL SA TONDO, 2 LINGGONG SARADO

PANSAMANTALANG isasara ang Ospital ng Tondo sa Maynila sa loob ng dalawang linggo, upang mabigyan ng sapat na oras para makapagpahinga ang health workers ng nasabing pagamutan na tinamaan na ng COVID-19.

Ito ay inanunsyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang Facebook live noong Lunes ng gabi.

Nagsimula ito noong Mayo 11 at matatapos sa Mayo 24.

Isasailalim ang nasabing pagamutan sa disinfection at paglilinis bago muling buksan sa publiko.

Sinabi ng alkalde, ang health workers at frontliners na hindi naman tinamaan ng sakit ay pansamantala munang ililipat sa ibang ospital na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod.

Hanggang noong Lunes, umabot na sa 912 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, 84 dito ang namatay habang 142 naman ang gumaling na sa nasabing sakit. (DAHLIA ANIN)

114

Related posts

Leave a Comment