HIGIT 10-K MUSLIM NAKIISA SA EID’L FITR SA QUIRINO GRANDSTAND

ramadan12

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ)

UMABOT sa libu-libong mga Muslim ang nakiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr nitong Miyerkoles ng madaling araw sa Quirino Grandstand sa Ermita, Maynila.

Nabatid sa pagtaya ng Manila Police District (MPD), umabot sa may 10,000 Muslim ang dumalo sa okasyon.
Nalaman na alas-4:00 ng madaling araw nang magsimula nang dumagsa sa lugar ang mga Muslim, kasama ang kanilang mga pamilya at may bitbit pang masaganang pagkain na kanilang pagsasaluhan para sa okasyon.

Alas -7:00 ng umaga nang simulan ang aktibidad sa pamamagitan ng Salat al-fajr o morning prayer para sa Eid’l Fitr . Napuno ng mga Muslim ang open field sa harap ng Grandstand.

Naging maayos at payapa naman ang pagdiriwang dahil na rin sa inilatag na seguridad at ipinakalat na mga pulis ng MPD.

Ang katulad na pagdiriwang ay ginawa rin ng mga Muslim sa Maharlika Village sa Taguig City , Quezon Memorial Circle sa Quezon City, at iba pang lugar sa bansa.

Matatandaan na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Hunyo 5 bilang non-working holiday bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng mga Muslim sa Eid’l Fitr, na hudyat nang pagtatapos ng isang buwang Ramadan.

206

Related posts

Leave a Comment