(NI MITZI YU)
BAWAL magtinda sa kalsada.
Ito ang binigyang diin ni Manila Mayor Joseph Estrada sa mga vendors kasunod ng mga reklamo laban sa mga ito.
Ayon kay Estrada, hindi pinapayagan ang mga vendors na magtinda sa kalsada kung kaya’t may mga inilalaan ang city govt na lugar at sukat para sa mga ito ito.
Bagama’t naiintindihan niya ang pangangailangan ng mga vendors na kumita, hindi naman maaaring lumabag ang mga ito sa patakaran ng city hall.
Lumilitaw na maraming reklamo mula sa publiko at mga motorista na hindi na madaanan ang Divisoria at ilang kalapit na kalsada.
Subalit, hindi naman aniya maaaring makasagabal ang mga vendors sa daloy ng mga saakyan kung kaya kailangan pa ring disiplinahin ang mga ito.
Kahapon ay inutos ni Estrada ang clearing operations sa Divisoria dahil hindi na ito madaan ng mga sasakyan kahit na motorsiklo gayundin ang dagdag na police visibility ng Manila Police District mula ngayon.
Posible ring umatake ang mga kawatan dahil siksikan ang mga pamilihan at madaling makapangbibiktima.
Payo ng alkalde sa mga mamimili, magdala lamang ng tamang pera at huwag nang magsuot ng anumang alahas na makaka engganyo sa mga kriminal
151