(NINA BERNARD TAGUINOD, JG TUMBADO)
NANGANGAMBA ang mga kasamahan ng pinatay na si AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at escort nito na si
SPO1 Orlando Diaz na mapabilang ang kanilang kaso sa humahabang listahan ng unsolved crimes.
Ipinahayag ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. na hanggang ngayon ay wala pang lead ang Philippine
National Police (PNP) sa nasabing kaso.
“It’s very unfortunate that police authorities have yet to update the family of Cong. Rodel about their investigation.
We call on them to share with family members whatever developments they may have on the case,” ani Garbin.
Magugunita na pinagbabaril si Batocabe at Diaz habang pasakay sa sasakyan noong Sabado, Disyembre 22, sa Brgy.
Burgos, Daraga Albay kung saan nagsagawa ang mambabatas ng gift-giving sa mga senior citizen at people with
disabilities (PWDs). Makalipas ang limang araw ay wala pa aniyang update ang task force Batocabe na binuo ng
PNP para imbestigahan ang pagpatay sa kongresista at police escort nito lalo na sa motibo ng nasabing krimen.“This
should not go into the statistics again of unresolved crimes,” ani Garbin.
Ang pag-usad pagong na imbestigasyon ay sa harap ng P30 milyong bounty money na inilaan subalit wala pang
magandang development sa kaso. Naniniwala ang mambabatas na malaki ang kinalaman ng pulitika sa pagpatay sa
kanilang kasamahan dahil nagsimulang makatanggap umano ito ng death threat nang maghain ito ng kanyang
certificate of candidacy (COC) para tumakbong mayor ng Daraga, Albay.
PNP CHIEF NANGUNA SA COMMAND CONFERENCE
PINANGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang command
conference sa Albay kaugnay sa kaso ng pagpaslang kay Batocabe at sa police escort nito.
Ipinatawag ni Albayalde ang conference na dinaluhan ng regional director, provincial director at mga city police
chiefs ng Bicol police headquarters.
Bukod sa pagdalo sa command conference, dinalaw din ng opisyal ang burol ng yumaong mambabatas at ni SPO1
Orlando Diaz, ang nasawing security escort nito.
Kasabay din nito ang pagdalaw ng Pangulong Rodrigo Duterte sa lamay ni Batocabe at Diaz.
Nauna nang inatasan ni Albayalde ang Criminal Investigation and Detection Group o CIDG na pangunahan ang
imbestigasyon sa pagpatay kay Batocabe noong araw ng Sabado (December 22).
Sa huling ulat, nasa anim katao ang itinuturing na “persons of interest” sa Batocabe murder case.
373