Isolated incident lang – DILG PANELO, PACQUIAO, ROQUE VIOLATORS NG HEALTH PROTOCOLS

ITINUTURING na isolated incidents lamang ang sinasabing paglabag nina President Rodrigo Duterte’s top legal counsel Salvador Panelo, Senator Manny “Pacman” Pacquiao at Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), ang videoke session ni Atty. Panelo ay “isolated incident” sa likod ng panawagan ng pamahalaan na pagbabawal sa videoke o public singing para maiwasan ang paglaganap ng coronavirus.

Sa imbestigasyong ng Philippine National Police na isinumite sa tanggapan ni SILG Secretary Eduardo Año, lumilitaw na may mga kumalat na video sa social media na nagpapakita kay Panelo habang kumakanta sa loob ng restaurant at inalis ang face mask nito ngunit nanatiling suot ang kanyang face shield.

“Panelo should have exercised utmost proper discretion,” ani Año.

“Ito ay isang isolated incident, hindi naman ito tinatawag na talagang gross violation. Nagkausap na rin kami ni Sec. Panelo at binigyan ko siya ng advise na bilang isang high official ay maging sensitive tayo sa mga ganyang klase ng insidente at iiwasan dapat,” ayon sa kalihim.

“Wala naman kinakailangang imbestigahan dito pero ito ay isang mapupulutan ng aral na bilang isang official dapat i-observe mo ang lahat.”

“Nag-apologize siya na hindi dapat niya ginawa. At the minimum naman sabi niya inobserve daw niya ang minimum health standards. ‘Di lang daw marinig ang boses niya, maintindihan, kaya ang mga tao nagsabi na tanggalin mo ang mask,” ayon sa kalihim.

Samantala, nitong nakalipas ding buwan ay kumalat naman ang video ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang videoke session.

Nabatid na natanggap na ng DILG ang PNP findings sa ginawang pagsisiyasat sa umanoy ‘quarantine breach’ nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Senator Manny Pacquiao.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang PNP base sa direktibang ibinaba ni DILG Secretary Eduardo M. Año hinggil sa umano’y paglabag sa COVID-19 health protocols sa dalawang magkahiwalay na okasyon nina Pacquiao sa Agoncillo, Batangas noong Nobyembre 26 sa ginanap na gift giving, at ni Roque sa Bantayan Island, Cebu noong Nobyembre 27.

“We have received the PNP’s investigation report and this is currently under review by our DILG Legal Service,” ani Año.

“The PNP report says that the local government officials of Agoncillo, Batangas ensured that health protocols such as wearing of face mask and face shield and the adherence to social distancing requirements were strictly observed during Pacquiao’s distribution of relief goods to those affected by the Taal Volcano eruption and the pandemic. The seats in the activity were also arranged to ensure that social distancing was observed. The LGU also distributed face masks and face shields,” pahayag ng kalihim.

Wala namang umanong nadagdag na kaso ng COVID sa Bantayan Island, Cebu kung saan dumalo ang presidential spokesperson. (JESSE KABEL)

144

Related posts

Leave a Comment