ISANG malaking kilos-protesta ang ikinakasa ng mga militanteng hanay manggagawa sa darating na Bonifacio Day sa Nobyembre 30, 2024.
Inihayag ng Kilusang Mayo Uno at All Workers Unity na pinaghahandaan nila ang papuputuking malawakang kilos-protesta sa darating na Bonifacio Day sa Maynila para sa agarang kaginhawaan at PBBM’s accountability.
Sa ginanap na pulong balitaan sa Kamuning Bakery Café, inihayag ng hanay manggagawa ang kanilang panawagan, “Ipaglaban ang ginhawa ng mamamayan! Panagutin ang abusado at kawatan!”
Ilulunsad ang nasabing pagkilos sa gitna ng umiinit na political crisis sa bansa bunsod ng bangayan ng ruling Marcos and Duterte factions.
Habang ang mga manggagawa umano at taong bayan ay dumaranas ng kagutuman at pagdarahop bunsod ng mababang pasahod, tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, halaga ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan na pinalubha umano ng anti-people policies.
Kabilang sa panawagan ng mga obrero ang: P1200 family living wage for all workers across the country; P33000 monthly minimum salary for government employees; P50000 entry-level salary for teachers and nurses; P25 retail price for rice; government intervention on successive oil price hikes, and electricity and water charges; abolishment of confidential and intelligence funds; jailing of Rodrigo Duterte for crimes against the people and humanity; impeachment of Sara Duterte for misuse and abuse of public funds; accountability from Marcos Jr. for continuing policies that perpetuate poverty and repression.
Ang All Workers Unity ay kinabibilangan ng Kilusang Mayo Uno (KMU), COURAGE, Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA), Piston, KILOS NA Manggagawa, Defend Jobs Philippines, Migrante International, Migrante Philippines, Kadamay, Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK), Alliance of Health Workers (AHW), Alliance of Concerned Teachers (ACT), at BPO Industry Employees Network (BIEN). (JESSE KABEL RUIZ)
37