(NI BERNARD TAGUINOD)
PAMUMUTIKTIKIN ng bandila ng Pilipinas ang China Consulate sa Makati City, Martes sa malawakang kilos protesta kaugnay pananakop ng nasabing sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Pinagdadala ng mga militanteng mambabatas ang mga Filipino na lalahok sa kilos-protesta na magdala ng bandila at magsuot ng pula,asul at puti upang maipakita ang pagkakaisa laban sa pananakop ng China sa teritoryo.
May hastag na “AtinAngPinas” ang kilos-protesta na itinaon sa Araw ng Kagitingan kung saan ginugunita ang kabayanihan ng mga Filipino na nakipaglaban sa mga mananakop sa Pilipinas.
“Kahit ano pa ang paniniwala mo, kahit ano pa ang partido mo. Dilaw ka man, pula o asul, ang importante magkaisa tayo bilang Pilipino para depensahan ang ating soberanya,” ani Bayan Muna chair Neri Colmenares.
Sinabi ng dating mambabatas na ang kilos-protesta ay hindi dahil sa pulitika kundi para ipakita sa China na mariing tinututulan ng mga Filipino ang pananakop ng mga ito sa kanilang teritoryo at pananahimik ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“We cannot remain silent in the face of China’s actions against our fisherfolk and our rights. We don’t even know if the government has really filed a diplomatic protest. So what else can we do but air our protest directly to China,” ayon pa kay Colmenares.
Kabilang din sa ipoprotesta ng iba’t ibang grupo ay ang pagpayag ng Duterte administration na madehado ang mga Filipino sa mga pinirmahang loan ageement sa China kung saan ginawang collateral umano ang mga patrimonial assets.
261