NAKALAYA matapos magpiyansa si Rappler chief Maria Ressa matapos manatili ng magdamag sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters.
Inaresto Miyerkoles ng gabi si Ressa sa kasong cyber libel na isinampa sa kanya ng negosyanteng si Wilson Keng kung saan nag-uugnay dito sa iba’t ibang krimen.
Hindi rin pumayag ang Pasay Court na tanggapin ang piyansa ng journalist dahilan para matulog ito sa NBI office. Inaasahan ding magsasampa ng motion for reconsideration sa desisyon ng Department of Justice na ituloy ang kaso nito at Rappler sa kasong cyber libel.
Nag-ugat ang cyber case kay Ressa at dating reporter na si Reynaldo Santos nang ireport ang tungkol sa ugnayan ni Keng at dating Chief Justice Renato Corona at sa iba’t ibang kaso kasama na ang drug trafficking at human smuggling.
154