MATANDANG LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA PABRIKA

(Ni CHE ALMADIN)

Isang matandang lalaking machine operator ang natagpuang patay sa loob mismo ng kanilang

pinagtatrabahuhang pabrika sa Lungsod ng Caloocan kahapon ng umaga.

Sa ulat ng pulisya ay ganap umanong alas 6:30 ng umaga nang matagpuan sa kanyang puwesto ng kasamahan sa trabaho na si Alfie Badiana ang wala nang buhay na si Reynaldo Demery, 60 anyos,

may-asawa, lead mechanist ng Dynamic Development Trade and General Services, Inc. (DDTGS) na matatagpuan sa Rivera Street, Barangay 160 ng nasabing lungsod at residente ng Tebang West, Sta. Barbara, Pangasinan.

Nakahiga sa sahig ng kanyang inookupahang kuwarto at hindi na humihinga ang biktima nang pulsuhan ni Badiana.

Mabilis niyang ipinagbigay alam sa kanilang bisor ang insidente na agad din namang nakipagugnayan sa himpilan ng Caloocan City Police Community Precint 7.

Napag-alaman naman sa imbestigasyon ng pulisya na may deperensiya sa kanyang paghinga ang biktima na may dala-dala pa laging breathing apparatus na natagpuan din mismo sa kanyang silid.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung may foul play bang naganap sa nasabing insidente.

Nasa Kalibu Funeral Service na  ang labi ng biktima na inaantabayanan pa ang desisyon ng mga kaanak nito kung sasailalim ba ito sa autopsy.

8

Related posts

Leave a Comment