NAMAGITAN SA GULO; 16-ANYOS GRINIPUHAN, KRITIKAL

INOOBSERBAHAN sa Tondo Medical Center ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang saksakin sa tagiliran habang umaawat sa away ng kanyang kaibigan sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon City Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) investigator P/Cpl. Rosemarie Mallari, ang biktimang si John Ferson de Roma ng Brgy. Bayanbayanan, habang ang suspek ay kinilala lamang sa alyas na “Jervin”.

Ayon sa mga awtoridad, naglalakad ang biktima at kanyang kaibigan na si alyas “Jandie” sa kahabaan ng Liwayway St. Brgy. Bayanbayanan dakong ala-1:00 ng madaling araw nang makasalubong nila ang suspek na humarang sa kanilang daraanan.

Bunsod nito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at si Jandi dahil sa dati nilang alitan.

Tinangka namang umawat ng biktima sa dalawa ngunit inundayan siya ng saksak ng suspek sa tagikiran.

Pagkaraan ay tumakas ang suspek habang isinugod sa pagamutan ang biktima. (FRANCIS SORIANO)

116

Related posts

Leave a Comment