NCR COVID POSITIVITY RATE BAHAGYANG TUMAAS

BAHAGYANG tumaas ang COVID-19 cases makalipas lamang ang 3 araw, subalit hindi umano klaro sa OCTA Research Group na nag-peak na ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Sa isang tweet, ipinaliwanag ni OCTA fellow Dr. Guido David na may arawang 17.9% positivity rate ang NCR na naiulat nitong nakaraang Huwebes, Agosto 11.”With slight increases over the past 3 days, it is not yet clear if the positivity rate has already peaked in the NCR, but the trendline looks flat at the moment,” ayon pa dito.

Ang positivity rate ay ang porsyento ng mga tao na nagpopositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng sumailalim sa COVID-19 tests.

Unang iniulat ng OCTA na bumaba ang ‘one-week positivity rate’ ng NCR sa 15.9% nitong Agosto 9 mula sa 17.4% noong Agosto 6.

Bukod sa Metro Manila, nakikita ng OCTA na bumababa na ang mga kaso sa Iloilo na maaaring malapit na rin umanong mag-peak.

(RENE CRISOSTOMO)

143

Related posts

Leave a Comment