PASIG MAYOR VICO SOTTO PINADI-DISQUALIFY KALABAN SA 2025 POLLS

PINADIDISKWALIPIKA ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kanyang katunggali sa darating na 2025 national and local elections.

Naghain si Sotto ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) laban kay Cezara Rowena Descaya dahil sa umano’y pagkakaroon nito ng koneksyon sa Joint Venture Company ng Miru System Company Limited.

Ang Miru System Company Limited ang siyang technology provider ng Comelec para sa 2025 Midterm elections.

Si Descaya, ayon kay Sotto ang may-ari ng St. Gerard Construction Company na may koneksyon sa St. Timothy, ang financial partner ng Miru System Company Limited.

Malakas daw ang hawak niyang mga ebidensya na magpapatunay na konektado si Descaya sa Miru System kung kaya’t dapat lamang itong ma-disqualify sa pagiging kandidatong alkalde ng Pasig City. (JOCELYN DOMENDEN)

43

Related posts

Leave a Comment