(NI DAHLIA SOBPREPENA)
PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga namamatay araw-araw sa kumplikasyon sa tigdas, ayon sa pagtatala ng San Lazaro Hospital sa Maynila.
Ayon kay Dr. Ferdinand de Guzman, tagapagsalita ng San Lazaro Hospital, mahigit 400 pasyente na ang na-admit sa nasabing ospital dahil sa tigdas.
Animnapu naman ang namatay dahil dito. Malaki umano ang tinaas ng bilang ng nagkakatigdas ngayong taon kesa nung mga nakaraan.
Mas marami kasing bata ang hindi pa nababakunahan ng vaccine para dito, ayon sa DoH. Sinabi rin ni de Guzman na ilang magulang at guardian ng mga bata ang kanilang ininterview pero isa lang ang sagot nila. Hindi nila dinadala ang mga bata sa health center ng dahil sa takot nila tungkol sa dengvaxia.
Karamihan umano sa dinadala dun ay wala pang bakuna sa tigdas. Pinapaliwanag naman nila na ang measles vaccine ay isa sa pinakamatandang vaccine at ito ay subok na ng DoH dahil ito ay binibigay na simula pa noong 1988-1989.
Sa ngayon ay tinitingnan pa nila ang sitwasyon dahil maaring maging measles hospital ang San Lazaro dahil sa dami ng pasyente na inaadmit dito.
160