PRESYO NG GULAY TATAAS

dtigulay12

(NI MAC CABREROS/PHOTO BY KIER CRUZ)

NAGSIMULA nang maramdaman ang epekto ng El Nino sa produktong agrikultura matapos ihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na inaasahang pagtaas ng presyo ng gulay.

“Gulay talaga iyong binabantayan natin because of the drought now happening in several regions in the country,” pahayag Trade Undersecretary Ruth Castelo.
Siniguro naman ni Usec. Castelo na babantayan nila ang presyo ng gulay sa mga pamilihan upang hindi  makapagsamantala ang mga negosyante at maprotektahan ang kapakanan ng publiko.

“The National Price Coordinating Council will particularly do a close watch on the effects of El Niño on the price and supply of agri products,” diin Castelo.

Matamang binabantayan ng economic managers ng administrasyong Duterte ang lawak ng pinsalang dulot ng tagtuyot sa mga produktong agrikultura upang malapatan ng karampatang hakbang.

Naunang tinaya ng National Economic and Development Authority (NEDA) na maliit lamang na porsyento ang magiging epekto ng El Nino sa produksyong agrikultura.
“El Niño would slash a mere 0.2 percentage points from the country’s full-year gross domestic product (GDP) growth,” saad NEDA.

Inasahan din ng NEDA na manatili sa 2 hanggang 4 porsyento ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin o pangangailangan bunsod ng El Nino.

Samantala, bilang tip, lagyan ng asin at suka ang lulutuin upang hindi agad masira at humantong lamang sa basura ang mga pagkain. Mainam din na ilagay sa refrigator ang mga tirang pagkain at painitan mula bago ihain.

“Ito ay para hindi tayo magtapon ng pera (na pinambili natin),” ayon  isang ginang na may karinderya sa San Juan.
Naiulat na umabot sa 39 degrees Celsius ang init factor sa Metro Manila nitong Miyerkoles.

 

327

Related posts

Leave a Comment