PUP STUDENT TUMALON SA CONDO

PATAY ang isang 18-anyos na estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) makaraang tumalon mula sa roofdeck at bumagsak sa ground floor ng isang condominium sa Sta. Mesa, Manila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Peter John Rostata y Canonoy, binata, estudyante ng PUP-Manila at residente ng Valdez St., Sampaloc, Manila.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Boy Nino Baladjay kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 9:10 ng gabi nitong Miyerkoles nang mangyari ang insidente sa roof deck ng El Pueblo Condominium sa Anonas St. sa Brgy. 630, Zone 63 sa Sta. Mesa.

Una rito, nag-send ng message ang biktima sa facebook ng mensaheng pupunta siya sa roofdeck ng nasabing condo.

Pagkaraan ay sumakay umano sa elevator ang biktima patungo sa rooftop at nagbantang tatalon.

Inawat umano ito ng kanyang kaibigan na nakatira sa condo ngunit hindi nakinig ang biktima.

Pagkaraan ay nagbitiw umano ang biktima ng katagang “Sabihin n’yo na lang kina Mama, hindi naman dahil sa inyo, mas mahirap ‘pag nandiyan kayo”.

Sabay talikod at nagpatihulog ang biktima mula sa roofdeck hanggang sa ground floor ng gusali.

Napag-alaman na ilang araw na umanong walang imik ang biktima.

Pansamatalang inilagak ang labi ng biktima sa Cruz Funeral Mogue. (RENE CRISOSTOMO)

 

152

Related posts

Leave a Comment