‘RECTO UNIVERSITY’ NATUPOK

NATUPOK ng apoy ang tinaguriang “Recto University” o pagawaan ng mga pekeng dokumento tulad ng diploma, sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila nitong Miyerkoles ng hapon.

Umabot sa ika-5 alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-3:00 pasado ng hapon sa naturang lugar.

Agad namang inutos ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez kay Police Captain Rowell Robles ng Plaza Miranda PCP, ang pagpapatupad ng seguridad sa lugar.

Mabilis na dumating ang mga truck ng bombero mula sa iba’t ibang lugar kabilang ang fire volunteers upang tumulong na maapula ang apoy.

Habang may nakaantabay namang mga ambulansya ng MDRRMO at Philippine Red Cross.

Ilang kabahayan din ang nadamay sa nasabing sunog.

(RENE CRISOSTOMO)

48

Related posts

Leave a Comment