TASK FORCE MANILA BAY ITINATAG NG PALASYO

(NI BETH JULIAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

SA pagnanais na mapablis ang rehabilitasyon, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na magtulungan sa paglilinis ng Manila Bay.

Noong Pebrero 19, nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang administrative order 16 na pagbuo ng Manila Bay Task Force na tututok sa agarang pagsasaayos sa Manila Bay.

Inatasan ng Pangulo ang TF na maglatag ng comprehensive plan para sa relokasyon ng mga informal settler na nakatira sa paligid ng Manila Bay.

Si Environment Secretary Roy Cimatu ang tatayong chair ng TF habang magsisilbing vice chairpersons ang mga kalihim ng Department of Interior and Local Government at Department of Tourism.

Kabilang naman sa magiging miyembro ang DPWH, DOH, Dept of Agriculture, HUDCC, MMDA, Pasig River Rehabilitation Commission, Coast Guard, PNP Maritime Group, Phil Port Authority at mga kinatawan mula sa MAYNILAD at Manila Water.

Inatasan din makipagtulungan sa Task Force ang mga alkalde na saklaw ng Manila Bay sa National Capital Region maging ang mga gobernador ng Bulacan, Bataan, Pampanga, Cavite.

Dito ay binibigyan ang TF ng kapangyarihan na magpataw ng multa sa mga government facilities at iba pang establisyemento maging ang mga ordinaryong bahay-bahay kapag walang maayos na sewerage system

Pinabiigyan din ng livelihood assistance ang mga maapektuhang pamilya sa clean-up na pangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Trade and Industry (DTI).

198

Related posts

Leave a Comment