‘TAUMBAYAN ANG MAGDEDEPENSA SA PINAS’

china rally12

(NI BERNARD TAGUINOD)

TULAD ng mga ninuno na nagdepensa sa Pilipinas noong panahon ng giyera, walang ibang magtatanggol sa ating soberenya laban sa China, kundi ang sambayang Filipino.

Ginawa ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang nasabing pahayag sa gitna ng protesta ng iba’t ibang grupo sa Chinese consulate office sa Makati City habang ginugunita ang Araw ng Kagitingan upang iprotesta ang pakikiaalam at pananakop umano ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea.

Martes ng umaga ay sumugod sa Chinese consulate office ang mga militanteng mambabatas para ipaalam sa China na pag-aari ng mga Filipino ang West Philippine Sea na inaangkin nila ngayon.

“It is imperative that Filipinos, as a people, should be united in viewing China as an imperialist power, so as to generate the broadest resistance movement against its impositions in the country’s affairs,” ayon naman kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao.

Ang mga kababaihan na miyembro ng Gabriela na kasama sa kilos-protesta ay nagdala ng replika ng mga bolo na ginamit ng mga bayaning Filipino na nagtanggol sa Pilipinas noong panahon ng giyera.

“Tumitindig ang Gabrielang Pilipina laban sa panghihimasok ng Tsina at pag-abuso sa ating soberanya. Just as how Gabriela Silang fiercely fought the Spanish colonizers, modern-day Gabrielas are resisting the Chinese creep into our waters and even into our water service through Kaliwa Dam,” ani Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

Sinabi naman ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na bagama’t malakas ang puwersa ng militar ng China, hindi ito dapat maging dahilan para manahimik ang mga Filipino at isuko na lamang ang teritoryo sa nasabing bansa.

Ayon sa mambabatas, maraming kakampi ang mga Filipino na puwedeng hingan ng tulong tulad ng mga bansa na inaagawan din ng China ng teritoryo sa South China Sea kasama na ang Vietnam.

303

Related posts

Leave a Comment