TRABAHO SA SENIORS ITINULAK NI TULFO

“KUNG gusto pa nilang magtrabaho, e, di bigyan sila ng trabaho”.

Ito ang pahayag ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa paghahain ng panukalang batas para mabigyan ng trabaho ang mga senior citizen na gusto pang magtrabaho.

Sa ilalim ng House Bill 8971, oobligahin ang mga pribadong kumpanya at government agencies na may 100 o higit pa na empleyado na mag-empleyo ng isang porsyento mula sa senior citizen sector.

“Halimbawa kung 100 ang empleyado mo, dapat may isang senior citizen dyan na pwedeng mga light work lang ang trabaho,” paliwanag ni Cong. Tulfo.

Bibigyan ng incentives ang mga kumpanya na tatanggap ng mga senior citizen habang pagmumultahin naman ang hindi tatalima sa batas na ito.

Kasama sina ACT-CIS Rep. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Eric Yap ng Benguet, at Ralph Tulfo ng Quezon City 2nd District, bilang mga co-author ng naturang panukalang batas.

Nauna na ring inihain ng grupo ang isa pang panukalang batas na layong bigyan o tanggapin sa trabaho ang mga persons with disabilities (PWD) na angkop sa kanilang kakayahan.

155

Related posts

Leave a Comment