NAKIISA ang TRABAHO Party-list sa pagdiriwang ng Araw ng Palaspas matapos maging abala sa kanilang mga sortie noong Linggo.
Sa opisyal na Facebook Page ng 106 Trabaho Party-list, bumati ito ng “Isang pinagpalang Linggo ng Palaspas po sa inyong lahat”.
Bukod sa pagbati, mayroon ding mensahe ang grupo kaugnay ng adbokasiya nito para sa mga manggagawang Pilipino.
“Habang iwinawagayway po natin ang palaspas, atin pong pagnilayan kung paano natin mas masusuportahan ang ating mga manggagawa at kung paano tayo makabubuo ng makatarungang ekonomiya,” isinulat ng TRABAHO.
Sang-ayon sa diwa ng Semana Santa, nanawagan din ng pagkakaisa mula sa publiko ang grupo para sa patas na pamantayan para lahat ng manggagawa.
Panawagan ng TRABAHO: “Tulad ng pagsisimula ng Semana, nawa’y maging simula rin ito ng panibagong pagkakaisa sa ating pagtataguyod ng patas na paggawa at seguridad sa ekonomiya”.
Kahapon, kasama ng Team Yorme’s Choice si TRABAHO second nominee Ninai Chavez sa kanilang motorcade sa Distrito Uno sa Tondo, Maynila.
Kinagabihan, itinaas naman ng Team Aksyon at Malasakit ang mga kamay ni TRABAHO first nominee Atty. Johanne Bautista sa Distrito Uno Grand Rally sa Lungsod ng Caloocan.
