BINIGYANG-PUGAY ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at ng kanyang mga kasamahan sa Minority Bloc ang mga ordinaryong Pilipino na nagsisilbing inspirasyon dahil sa kanilang malasakit, sakripisyo at paglilingkod sa kapwa.
Sa National Heroes’ Day event na inorganisa ng Senate Minority Bloc nitong Miyerkules, nakiisa si Cayetano sa pagkilala sa 20 makabagong bayani mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga security guard, reservist, volunteer, missionary, healthcare worker, transport at delivery worker, at guro.
Kasama ni Cayetano sa pagkilala ang kanyang mga kasamahan sa Minority Bloc na sina Senators Mark Villar, Christopher “Bong” Go, Camille Villar, Pia Cayetano, Imee Marcos at Robinhood Padilla.
“It’s not about credit but about giving inspiration na sa hirap ng buhay at sa pagka-toxic ng pulitika, mayroon pa rin talagang mga taong willing to go beyond,” wika ni Cayetano.
(DANNY BACOLOD)
106 