MICP CUSTOMER CARE CENTER PINASINAYAAN

Isa na namang Customer Care Center (CCC) na nasa ilalim ng Bureau of Customs na makatutulong sa lalo pang pagpapaganda ng serbisyo sa stakeholders, partners at transacting public ng Aduana ang pinasinayaan kamakailan.

Kumpleto na ang listahan ng Collection Districts na nagbukas at nag-o-operate ng tinatawag na Customer Care Center (CCC), dahil kasama na rin ngayon ang Manila International Container Port (MICP) na nagpasinaya sa kanilang sariling CCC.

Ito ay magsisilbing isang one-stop-shop na malaki ang magagawa para mapadali sa mga Customs stakeholders ang pakikipag-transact sa Port.

Ito rin ay bilang pagsunod sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business Act, ang Customer Care Center ay binuo para itaguyod ang kalakalan at sumunod sa “No Contact Policy” ni Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Ang okasyon ay dinaluhan ni MICP District Collector Romeo R. Rosales kasama ng Port’s Deputy Collectors for Operations, Administration and Assessment.

Ang isinagaw namang programa sa mahalagang ­okasyon ay pinangunahan ni Chief of the Public Information and Assistance Division (PIAD) Bienvenido R. Datuin Jr.

Ang MICP CCC ay ­magiging tahanan o opisina na kung saan tatanggap at mag-iisyu ng mga dokumento na naka-file sa pamamagitan ng Bureau’s Customer Care Portal System.

Sa nasabing center din magbibigay ng impormasyon sa mga katanungan at alalahanin ng stakeholders sa Port.

Ito ay rin ay magtata­guyod ng “No Contact Policy” at bilang center ito ay magsisilbi bilang Port’s Pass Control na titiyak na ang makapapasok lamang ay ang may ­awtorisadong transakyon sa loob ng Port.

Sa pahayag ni District Collector Rosales hinikayat niya ang Port’s stakeholders na gamitin ang center na mas madaling paraan para sa pagproseso ng pagpasok at shipments sa Bureau.

Anya ang MICP, ay ipinagmamalaki ang kalidad ng kanilang serbisyo sa pamamagitan ng MICP CCC, na ang layunin ay para makapagbigay ng mahalagang serbsiyo sa kanilang stakeholders.

Ang inagurasyon ng MICP CCC ay isang milyahe para sa Bureau bilang tanda ng pagkumpleto ng CCC implementation sa lahat ng labing pitong (17) Collection District ng Bureau of Customs.
(Joel O. Amongo)

151

Related posts

Leave a Comment