MIYEMBRO NG CRIME GROUP TIMBOG SA BARIL, DROGA

BULACAN – Isang miyembro ng Saturnino criminal group ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng San Jose del Monte City Police Station (SJDM CPS) nitong Lunes ng madaling-araw sa Brgy. Tungkong Mangga, SJDM sa lalawigan.

Base sa report ni PLt. Col. Reyson Bagain, Chief of Police ng SJDM CPS, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Potpot,” 31, matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa mga awtoridad.

Ang suspek ay kilalang miyembro ng Saturnino criminal group at kabilang sa COPLAN BILOG target list ng SJDM CPS.

Nasamsam mula sa suspek ang marked money, apat pang sachet ng hinihinalang shabu, at isang improvised shotgun na may isang live ammunition.

Tinatayang nasa P27,200 ang standard drug price ng tinatayang apat na gramo ng shabu na nakumpiska sa mga suspek.

Ang suspek at ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SJDM CPS para sa tamang dokumentasyon.

Siya ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

(ELOISA SILVERIO)

 

26

Related posts

Leave a Comment