Amihan at shearlines magpapaulan sa Luzon BAHA AT LANDSLIDES NAKAAMBA SA VISAYAS AT MINDANAO SA TD VERBENA

NAKAAMBA ang malalakas na pag-ulan na posibleng magpabaha sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao bukod pa sa banta ng landslides bunsod ng inaasahang pananalasa ng Tropical Depression Verbena.

Ayon sa PAGASA nitong Lunes, habang tinatahak ni TD Verbena ang Visayas ay patuloy itong lumalakas kaya naglabas sila ng babala hinggil sa malawakang pagbaha at rain-induced landslides, na inaasahang maka-aapekto sa maraming paaralan at residential areas.

Ayon sa state weather bureau ang tropical cyclone ay posibleng maging ganap na tropical storm nitong Lunes hanggang ngayong araw ng Martes o sa loob ng 48-oras habang binabaybay ang direksyon ng Central Philippines patungong Palawan.

“It will then accelerate across Visayas and northern Palawan between Monday night and Tuesday night before emerging over the West Philippine Sea, where it may peak as a severe tropical storm Wednesday,” ayon sa PAGASA.

Nitong Lunes, itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa 22 lugar sa Visayas, Northern Mindanao, at bahagi ng Mindoro, Samar, Leyte, Bohol, Cebu, Negros, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, at Palawan.

Nasa 5,354 schools sa 89 divisions ang natukoy na peligroso sa rain-induced landslides, kung saan ang Region 5 ang nangunguna sa listahan dahil sa 1,242 schools na may peligro sa landslides, sumunod ng Region 7 (969) at Region 10 (724).

Ibinatay ito sa mapa na nagpapakita ng widespread susceptibility sa malaking bahagi ng Visayas at Northern Mindanao, lalo na sa low-lying areas at bulubunduking lugar.

Samantala, habang nagbabadya ang mga pag-ulan sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao, patuloy namang naka-aapekto ang shearline sa silangan bahagi ng Luzon, at northeast monsoon (amihan) sa Northern at Central Luzon.

Ang shear line at northeast monsoon, o “amihan,” ay inaasahang magdudulot ng mga pag-ulan sa Luzon simula nitong Lunes, ayon sa PAGASA.

Ayon naman sa DepEd-DRRMS’ hazard mapping, nasa 7,939 schools sa 93 divisions ang nasa peligro ng mga pagbaha, pinakamalaking bilang ang naitala sa Region 8 (Eastern Visayas) sa bilang na 1,811; sinundan ng Region 5 (1,518) at Region 13 (1,237).

Ngayong Martes ay inaasahan ng PAGASA ang pagdaan ni Verbena sa central Philippines, sa karagatang sakop ng coastal waters ng Liloan, Cebu ngayong Martes at sa Tibião, Antique, Martes ng hapon base ito sa huling advisories mula Department of Education (DepEd) at Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“The cyclone is expected to strengthen into a tropical storm within 48 hours as it moves over the waters surrounding Palawan. By November 29, Verbena is projected to be outside the Philippine Area of Responsibility (PAR), west-northwest of the Kalayaan Island Group, with winds of up to 65 kph.,” pagtataya pa ng state weather bureau.

(JESSE RUIZ)

27

Related posts

Leave a Comment