MIYEMBRO NG CRIMINAL GANG, ARESTADO

CAVITE – Hawak na ng Cavite Police ang isang miyembro ng Untawar criminal gang matapos na nakumpiskahan ng ilegal na droga at baril sa Dasmariñas City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Henry Taveso, 42, ng Brgy. Burol 3, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat ni Corporal Lorenzo Cawaling ng Dasmariñas City Police, dakong alas-11:30 noong Biyernes ng gabi, nagkasa ng buy-bust operation ang Dasmariñas CPS sa Brgy. Burol 3 ng naturang lungsod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakuha sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu, isang 357 Magnum Smith and Wesson Springfield Mass, limang bala at buy bust money.

Ang Untawar criminal gang ay responsable sa serye ng iba’t ibang kriminalidad, nakawan at bentahan ng ilegal na droga sa Cavite at karatig na mga lalawigan.

Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunition at paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). SIGFRED ADSUARA

168

Related posts

Leave a Comment