MIYEMBRO NG DRUG GROUP TODAS SA OPERASYON

drugs200

LAGUNA – Patay ang isang drug personality matapos na umano’y manlaban sa anti-illegal drug operation sa bayan ng Lumban sa lalawigang ito, noong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ng Lumban Police ang napatay na si Gibson Gloria, 35, aktibong miyembro ng Manambit drug group at konektado rin sa Jhondy Baldemora drug group na nag-o-operate sa bayan ng Lumban.

Batay sa report ng Lumban Police, isinagawa ang buy-bust operation laban sa suspek sa Barangay Sto.  Niño at nakabili ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer.

Nauwi sa barilan ang operasyon matapos makahalata ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon.

Dead on the spot ang suspek na tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napag-alaman, ang suspek ay isa ring gun for hire ng Bari group at suspek sa pagpatay kay Barangay Chairman Alfredo Boy Alcantara ng Barangay Maytalang Uno sa Lumban noong 2014. (NILOU DEL CARMEN)

189

Related posts

Leave a Comment