MONTALBEÑO GANADO SA H2H NI REP. NOGRALES

DINUMOG ng mga residente ng dalawang barangay sa Montalban, Rizal ang ginawang “back to back house to house visit ni Congressman Fidel Nograles noong Abril 26 at 28, 2025.

Dakong alas-3 ng hapon nagsimula ang H2H ni Cong. Nograles sa Southville 8B Elementary School Brgy. San Isidro noong Sabado, Abril 26 na sinundan bandang alas-5 ng hapon sa P. Rodriguez St., Brgy. San Rafael.

Sinamahan ang mambabatas sa Brgy. San Isidro ng libong residente mula sa mga sektor ng kabataan, senior citizen, estudyante at ilang motorista.

Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga residente na hindi napigilang makipag-selfie sa kongresista na game na game namang nag-pose kasama ang mga ito.

Mainit ang suporta ng mga taga-Montalban kay Nograles dahil kilala itong matulungin at marami nang programa sa lalawigan.

Tulad si Sherly San Diego, 55-anyos, residente ng Brgy. San Isidro, ipinagsigawan niya na kaya siya sumama sa house to house visit ng kongresista dahil masaya at naniniwala siya na walang kapares ang serbisyong Nograles.

Aniya, kahit nung panahon ng pandemya ng COVID-19 ay hindi sila pinabayaan sa pamamagitan ng ayuda at mga gamot mula kay Congressman Nograles.

Sa pag-usad ng H2H ay maririnig ang sigawan ng mga residente ng: “Ikaw Pa Rin, Ikaw Pa Rin, Ikaw Pa Rin Nograles.”

Kapansin-pansin naman ang tila pagsabotahe sa pangangampanya ng mambabatas.

Habang nagbabahay-bahay ang grupo ni Nograles sa Brgy. San Rafael ay pitong beses umikot ang sasakyan ni Tom Hernandez na pinatutugtog ang campaign jingle nito.

Tiniyak ni Nograles na ipaglalaban ang lahat ng residente ng Montalban sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda, kabuhayan, trabaho, scholarship at tulong medikal.

(JOEL O. AMONGO)

10

Related posts

Leave a Comment