MOST WANTED SA BICOL TIMBOG SA QC

ARESTADO sa mga tauhan ng Masambong Police Station (PS-2) ng Quezon City Police District (QCPD) ang no.8 regional level most wanted person ng Bicol, sa bisa ng warrant of arrest sa Quezon City.

Kinilala ni P/Lt. Col. Ritchie Claravall, commander ng Masambong Police Station (PS-2), ang suspek na si Fernando Servillon, 49-anyos, tubong Libmanan, Camarines Sur, at residente ng #37 Kalyos St., Brgy. Veterans Village, Project 7, Quezon City.

Ang suspek ay nadakip ng pinagsamang mga operatiba ng PS-2, Intelligence Group ng PRO 5, at Pilar Sorsogon Municipal Police Station, dakong alas-7:30 ng umaga noong Enero 12, 2022 sa Brgy. Veterans Village, Project 7, Quezon City.

Si Servillon ay may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong rape na inisyu ni Judge Flerida P. Zaballa-Banzuela ng Branch 51, Regional Trial Court, Sorsogon City. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa nasabing kaso.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay agad na ipinagbigay-alam ng mga awtoridad sa court of origin.

“Ang pagkakahuli ng suspek na ito ay patunay lamang na ang ating kapulisan dito sa Quezon City ay agresibo upang matugis at mapanagot ang mga kriminal na pilit nagtatago sa ating batas,” ani P/BGen. Yarra. (JOEL O. AMONGO)

316

Related posts

Leave a Comment