MOST WANTED SA LAGUNA, TIMBOG

LAGUNA – Arestado ang isang magsasakang itinuturing na no.1 most wanted person sa lalawigang ito, sa ikinasang manhunt operation sa bayan ng Pagsanjan noong Biyernes.

Kinilala ni Laguna Provincial Director P/Col. Serafin Petalio II ang suspek na si Christopher Pranada Lambuson, 44, residente ng Brgy. Maytalang 2, Lumban, Laguna.

Nadakip ang suspek sa ikinasang opasyon ng mga tauhan ni Lumban Municipal Police Station chief, P/Capt. Jose Mari Pena kasama ang Pagsanjan Municipal Police Station bandang alas-1:30 ng hapon.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Josephine B. Nichols ng 4th MCTC, Lumban-Kalayaan, Lumban, Laguna dahil sa kasong acts of lasciviousness. (CYRILL QUILO)

162

Related posts

Leave a Comment