MOST WANTED SA QUIAPO TIMBOG SA DASMA

ARESTADO sa Dasmariñas, Cavite ang isang 37-anyos na lalaking may kasong murder at tatlong attempted homicide sa Quiapo, Manila.

Sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Edwardo Peralta, Jr. ng Regional Trial Court Branch 17 ng Manila, inaresto ng mga awtoridad sa Greenwoods Subdivision sa Dasmariñas City, Cavite ang suspek na kinilalang si Wilfredo Laya Jr. y Dimatulac, may asawa, jobless, ng #438 Nepomuceno St., Quiapo, Manila.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. John Guiagui, Station Commander ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3, inaresto ang suspek sa nasabing lugar dakong alas-5:40 ng hapon noong Biyernes.

Si Laya ay wanted sa kasong murder at tatlong kasong attempted homicide at 15 taon nang nagtatago. (RENE CRISOSTOMO)

192

Related posts

Leave a Comment