MOTORSIKLO SUMALPOK SA TRUCK, 3 PATAY

BATANGAS – Tatlo ang patay makaraang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa hulihan ng nakaparadang truck sa gilid ng national highway sa Tanauan City, noong Miyerkoles.

Pawang idineklarang dead on arrival sa ospital ang mga biktimang sina Jayson Hilarion, nagmamaneho; at ang mga backrider na sina Christian Jay Mabalay, 18, at Lovely Bacus, 15-anyos.

Batay sa report, dakong alas-2:00 ng madaling araw, tinatahak ng Yamaha Mio motorcycle ng mga biktima ang kahabaan ng JP Laurel National Highway sa Barangay Darasa nang bumangga ang mga ito sa hulihan ng nakahintong Isuzu aluminum wing van truck na minamaneho ni Jan-rey David ng Batangas City.

Ayon sa pulisya, posibleng hindi kaagad napansin ng nagmamaneho ng motor ang nakahintong truck dahil umuulan nang mangyari ang insidente.

Grabeng napinsala ang ulo at katawan ng mga biktima na agad na ikinamatay ng mga ito bago pa sila nadala sa ospital. (NILOU DEL CARMEN)

221

Related posts

Leave a Comment