MRT SARADO SA OCT 31-NOV 2

NAGPAALALA ang MRT 3 na isasara nila pansamantala ang kanilang operasyon mula October 31 hanggang November 2.

Ito ay para bigyang-daan ang bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.

Sinabi ng MRT na bahagi ng gagawing bushing replacement ng 34.5-kilovolt alternating current (kV AC) switch gear ay ang pagsasaayos ng bus tie na nagbibigay ng supply ng kuryente sa depot mula sa Meralco power source nito sa Balintawak at Diliman, at pagkukumpuni ng isang panel na mayroong 12 bushing unit.

Tuloy naman ang pagsasaayos at pagpapalit ng turnouts sa Taft Avenue station.

Bahagi ng turnout activity na ito ay ang pagsasaayos ng 2A at 2B turnout sections sa Taft Avenue.

Noong ika-10 hanggang ika-11 ng Oktubre ay isinaayos ang 1A at 1B turnout sections kung saan ay 91% na ang completion rate nito, at patuloy ang isinasagawang welding. (CHRISTIAN DALE)

75

Related posts

Leave a Comment