MS. PHILIPPINES EARTH 2019 CANDIDATES BUMISITA SA PFI OFFICE

ms earth12

BUMISITA nitong Lunes, June 3, sa opisina ng Peryodiko Filipino, Inc. (publisher ng SAKSI Ngayon at Diaryo Bomba), ang anim sa 42 candidates ng Miss Philippines-Earth 2019. Kasama nila sa larawan ang PFI president at publisher na si Atty. Victor Rodriguez. Ang anim na kandidata ay sina Patricia Maye Hoffman (General Santos City), Naya Kate Amore (Fil-Perth, Australia), Krizzia Lynn Moreno (Naga City), Jade Dyll Asis (Midsayap, North Cotabato), Jayvee Lyn Lorejo (Mawab, Davao del Oro), at Emily Marie Brumby (Tanauan, Leyte).

Nakipagkuwentuhan ang mga kandidata sa staff ng PFI tungkol sa pageant at sa kanilang advocacies na may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan. Ito na ang ika-19 na edition ng naturang beauty pageant.

Ang reigning Miss Earth Philippines ay si Silvia Celeste Cortesi at kokoronahan niya ang kanyang successor sa coronation night sa July 13, 2019. Ang delayed telecast ay mapapanood sa ABS-CBN sa July 14.

287

Related posts

Leave a Comment