UMABOT sa 20 service firearms ang nabawi ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) mula sa kanilang mga kabaro na na-dismiss at absent without official leave (AWOL) sa kanilang tungkulin.
Ayon kay P/Maj. Philipp Ines, chief ng Public Information Office, ang Oplan Bawi ay sinimulan noong Marso 4 hanggang Marso 6 ng taong kasalukuyan.
Nabatid na ang nabanggit na service firearms ay pag-aari ng mga dating pulis at nag-AWOL ngunit hindi ibinalik sa Philippine National Police (PNP) noong maalis sila sa serbisyo.
Ito ay upang matiyak na hindi magagamit sa ilegal na mga gawain ang naturang mga armas.
Ayon kay P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, ang Oplan Bawi ay bahagi ng kampanya ng PNP na matiyak na magkakaroon ng mapayapang halalan sa Mayo 9. (RENE CRISOSTOMO)
231 