MAGSASAGAWA ng magpupulong ang Commission on Elections (Comelec) en banc para desisyunan kung sino ang papalit sa nabakanteng upuan ng Duterte Youth Party-list.
Ito ay para talakayin ng Law Department at Supervisory Committee ng Comelec kung sino ang hahalili sa posisyon sakaling maging final and executory ang nasabing desisyon na kinakailangan bago maiproklama ng National Board of Canvassers.
Matatandaang kinansela ng en banc ang registration ng nasabing party-list dahil sa mga kakulangan sa publication at hearing na kinakailangang proseso para sa accreditation ng isang party-list.
Nilinaw ng Comelec na kailangan pa nilang hintayin ang pinal na desisyon ng Korte Suprema bago ipatupad ang kanselasyon, bilang pagrespeto sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman.
Tiwala rin si Garcia na kakatigan ng korte ang desisyon ng Comelec.
(JOCELYN DOMENDEN)
55
