HINATULAN ng Regional Trial Court ng Cagayan De Oro City, Branch 19, ng habambuhay na pagkabilanggo ang tatlong akusado sa kidnapping for ransom sa isang paslit sa nasabing lungsod.
Kinilala ang mga hinatulan ng reclusion perpetua with no eligibility for parole and Civil indemnity, moral, and exemplary damages na sina Maxima “Normie” Alastra Maraasin, Erlinda Wagas Tapayan at Esperidion Canoy Alastra sa krimeng kidnapping for ransom makaraang mapatunayang ‘guilty beyond reasonable doubts’.
Gayunman ang iba pang mga akusado na sina Quenie M. Caliso, Cesar Ian Tapayan at Brian Tapayan ay abswelto sa nasabing kaso.
Ayon sa record ng korte, noong Pebrero 22, 2017, ang biktimang si Sofia Faith Hernandez Deocadin, noon ay isang taon at pitong buwang gulang pa lamang nang dukutin sa Buguac, Sta. Cruz, Tagaloan, Misamis Oriental.
Iniulat ang nasabing pagdukot sa AKG MFU Iligan Satellite Office noong Marso 19, 2018.
Nagkaroon ng serye ng mga negosasyon para sa paglaya ng biktima na nagresulta sa pagkakaresto sa mga suspek at inihain ang kasong kidnapping for ransom and serious illegal detention sa sala ni Misamis Oriental Assistant Prosecutor ll Hon. Joana l Jardeleza-Llagas sa Lumbia, Cagayan De Oro City.
Hinanap ng mga tauhan ng Anti-Kidnapping group ng PNP ang biktima sa Luzon area makaraang ipahayag sa pamamagitan ng tactical interrogation ng isang Roslie Vinson Martinico na nakakulong sa NBP, na maaaring ibinenta ang bata sa Laguna at Cavite kapalit ng illegal drugs.
Bunsod nito, nagsagawa ng mga serye ng operasyon, pagsalakay at imbestigasyon ang mga operatiba ng AKG ngunit negatibo ang resulta.
Ang kidnapped victim na si Sofia Faith na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan, ay pinaniniwalaang buhay pa.
169
