TSERMAN PINASUSUSPINDE SA PAGMAMATIGAS SA COA

TAYTAY, Rizal – Inirekomenda ng Commission on Audit ang agarang suspensyon ng isang barangay chairman dahil sa umano’y patuloy nitong pagmamatigas na magsumite ng mga kaukulang

dokumentong magpapatunay na hindi nito nilustay ang halos P6.4 milyon mula sa pondo ng kanilang barangay nitong nakaraang taon.

Bukod kay Kapitan Allan de Leon, pinagpapaliwanag din ng COA ang ingat yaman ng Barangay Dolores na si Olivia Adriatico kaugnay ng kanilang kabiguang maipaliwanag kung paano ginamit ang nasabing pondo. Pinagpapaliwanag din ang officer-in-charge ng Taytay Municipal Accounting Office na si Carina

Arabit upang maglahad naman ng aksiyon ng kanilang tanggapan at rekomendasyon sa nasabing ahensiya.

Sa isang pahinang ulat ng COA, lumalabas na sa taong 2019, nagpalabas ang kanilang tanggapan ng Notice of Suspension ng auditing procedure para sa nawawalang P5,312,610.89 pondo ng Barangay Dolores. Hindi anila magawang mag-audit dahil wala silang io-audit.

Kabilang sa kwestiyonableng disbursement ng Barangay ay ang Cash Advance at Petty Cash and Reimbursements ng nasabing kapitan. Sa isang liham na ipinadala sa tanggapan ng Punong Barangay, pinaalalahanan ng COA sina de Leon at Adriatico hingggil sa kanilang mandato at panuntunan sa ilalim ng Civil Service Law, Procurement Act at Local Government Code.

“Please be informed that the total audit suspension, disallowances and charges found in audit of various transactions of the agency [Barangay Dolores, Taytay, Rizal], as of December 31 2019 is P6,382,157.25, based on the Notice of Suspension/ Notice of Disallowances/ Notice of Charge, issued by this Commission [COA]”

Bukod sa P5,312,610.89, kinontra rin ng COA ang P1,069,546.36 halaga ng transaksiyon dahil din sa kaduda-dudang datos at kawalan ng tamang inspection report mula sa local COA.

Una nang nasuspinde si de Leon noong taong 2016 sa kahalintulad na kaso kaugnay naman ng P5.07

milyong audit deficiencies ng kanyang pinamumunuang barangay. (FERNAN ANGELES)

114

Related posts

Leave a Comment