100 PAMILYA NAKA-ISOLATE SA COTABATO

NORTH COTABATO – Nagsasagawa ng contact tracing ang health officials sa bayan ng Makilala sa lalawigang ito matapos na magpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 ang isang government employee na taga Kidapawan City, iniulat nitong Martes.

Ayon kay Makilala LGU spokesperson Lito Cañedo, nadismaya ang barangay officials dahil mahigpit nilang ipinatupad and safety measures upang hindi makapagtala ng kaso ng nasabing sakit ngunit may nakapasok naman na hindi residente ng lugar na carrier ng virus.

Sa isinagawang contact tracing, nasa higit 100 pamilya ang isasailalim sa strict home quarantine habang 15 indibidwal ang isasalang sa swab testing dahil sa direct contact sa nasabing pasyente.

Nabatid na isinailalim na sa 14-day localized lockdown ang Barangay Libertad na kinabibilangan ng Purok Marang at Purok Rambutan gayundin ang Barangay Jose Rizal na kinabibilangan ng mga Purok 1, Purok 2 at Purok 7, pawang sa bayan ng Makilala dahil sa pumunta roon at nakipag-inuman sa kanyang mga kaibigan ang nasabing COVID positive.

Mag-iisyu na rin ang dalawang barangay ng local quarantine pass para sa mga mamamayan upang ma-monitor ang paglabas at pagpasok ng mga residente sa nasabing mga purok.

Tiniyak naman ni Cañedo na mabibigyan ng tulong ang mga pamilyang apektado, katulad ng bigas at ulam.

Samantala, limang buwang sanggol na babae ang naiulat na pinakahuling COVID-19 case na naitala sa North Cotabato noong Lunes.

Ayon kay Provincial Inter-Agency Task Force-Incident Command head, Board Member Doctor Philbert Malaluan, ang panibagong kaso ay residente ng bayan ng Midsayap na isinilang sa pamamagitan ng normal delivery, breastfeed at walang abnormalities ngunit noong Setyembre 6 ay nakaranas ng pag- ubo.

Nang lumala ang mga sintomas noong Setyembre 8, dinala ito sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC) sa Cotabato City para sa konsultasyon, na-confine at isinailalim sa swab test. (BONG PAULO)

170

Related posts

Leave a Comment